Cordell's music
By William the Henry
First editions lahat: Books, Cordell, ako. Yung mga Lyrica, hindi pala: revised nightly siya.
3:33 a.m.
Ano ito, half Omen? And the name of the baby beastie boy is 333, yea! Naalala ko yung full Omen: Asar na asar ako sa ending, yung sasaksakin na lang ni Gregory Peck ang sugo ng dilim nang barilin siya ng pulis. Ayun, nagkaroon tuloy ng dalawa pang sequel! For life na ba itong memory ko: Slow-motion na balang palaki nang palaki sa screen hanggang tumama sa likod ni Peck? Saka anong ginagawa ni Peck sa isang horror film? Kumita nga sa takilya, pero si Peck ng Roman Holiday --romantic film niya with Audrey Hepburn -- nasa Omen? Namannnnnnn...
3:55
Natatandaan ko ang role ni Peck bilang abogadong si Atticus Finch sa To kill a Mockingbird, adapted mula sa libro ni Harper Lee, na kaibigan pala at kababata sa Alabama ni Truman Capote. One and only book ni Lee ang Mockingbird, pero kasya na ang kita niya mula sa book at film rights para magbakasyon habambuhay. Nakita ko pa lang sa TV lately itong si Lee, parang binabati siya ni Obama sa White House sa 50th anniversary ng Mockingbird. Matanda na si Lee, uugod-ugod na at bukot ang likod. May umaalalay sa kanyang tumayo habang kinakamayan siya ng ni Barack. Ang pumasok agad sa isip ko nang makita ang napaka-touching na eksena eh, Buhay pa pala siya. Ayan, sabi ko sa sarili, ganyan talaga ang andar ng utak mo -- sacrilegious, blasphemous, ominous...
4:21
Nalaman ko ang link nina Harper Lee at Capote nang mapanood ko sa pirated DVD angIn Cold Blood, bagong adaptation mula sa breakthrough novel nitong si Truman. Ang nobelang ito ata ang nagpasimula ng New Journalism, yun bang true story na inihayag sa pormang nobela. Diyan sumunod ng style sina Norman Mailer, Joan Didion, P. J. O'Rourke, Gay Talese, Hunter S. Thompson at sangkatutak pang gaya-gaya. Common na ngayon itong genre, pero nung unang pumutok ito noong early 1960s, Wow!
4:38
Pinag-aralan ko ang writing style ni Truman noong nagsimula akong magsulat sa 1980s. Nakalap ko ang lahat ng libro niya, early and late -- Other Voices, Other Rooms, The Grass Harp, Breakfast at Tiffany's, Answered Prayers, Children on Their Birthdays, A Christmas Memory -- pero nawala ang buong library ko pagkatapos ng pagsabog ng Pinatubo nung 1991. Sa ngayon nabawi ko na ang ilang piyesa niya, puwera yung Music For Chameleons, na hanggang ngayon eh di ko makita sa National, Book Sale, Fully Booked, Powerbook. Ganyan kabusabos itong Pilipinas: sangkatutak ang Jollibee kahit saan, McDo, Chow King, KFC, etc., para bundatin ang tiyan mo, pero kung hahanapan mo ng pagkain ang utak mo, suwerte mo na lang kung di ka maging malnourished dito sa Pinas. Di ako nagtataka at naging Presidente yang si Noynoy. Susmarya, kahit ata komiks di nagbabasa yan.
4:54
It's annoying, this Noynoying. Makatulog na nga. Good dawn, Lyrica my lovely, gudam...
***
Note: Bakit Cordel's music ang title nitong Insomnia series no. 05072012? Mga 3:30 kaninang umaga, biglang bumukas yung radio sa ibaba, full volume, at binulabog ng Rock music ang buong bahay. Agad bumaba si Leena at Melay para silipin kung bagong episode ito ng Poltergeist. Si Cordell big cat pala, lumundag sa mesa at natabig yung "On" button ng radio at nag-Rock 'n' Roll ang tulog naming lahat. Relax lang si Cordell sa mesa, parang gusto pang sumayaw. Nang tingnan ko ang oras, tiyempo pala sa insomnia appointment ko. Ayan, nakabuo na naman ako ng blog.
No comments:
Post a Comment